Fr. Ron Cristobal said: Ano ang wish mo?
at hindi ako nakasagot.. . sabay basbas sakin ng holy water at sabay tapik. Asawa. Makapag-asawa ka na.
At nasariwa sa aking isipan na..
Fr. Ron, wala pa din nga po akong girlfriend, isang taon na po, since nagbreak kami ng longtime girlfriend ko.. Actually, hindi sya yung huli kong girlfriend, yung bestfriend nya. Ang nakalulungkot na bagay na pagkakamali ko sa aking buhay ay nung parehas silang nawala.. Alam ko pong pagkakamali ko yun sa buhay at ayoko ng muling sariwain pa. Tama nga po ang sabi nila na “Di porket tunay kayong nagmamahalan at inlove na inlove kayo sa isa’t isa, kayo na ang magkakatuluyan”. Lalaki lang din naman ako at natutukso din. Inakit kasi ko ng bestfriend nya. At wala namang kahulugan ang lahat ng bagay na namagitan sa amin ng bestfriend nya. Ayon.. Nagcool off kami ng longtime girlfriend ko at brineak ko yung bestfriend nya para maibalik ko ulit yung dating tiwala nya.. Days, weeks, and even month had past.. Pero nalaman ko na lang na may iba na siyang boyfriend.. And all of a sudden, nabalitaan ko nalang na buntis na pala sya. At nung January yata nanganak sya.
Napakasakit kuya eddie, diba?
Ang taong minahal ko ng tunay sa halos pitong taon. One true love since I were only 13 years old at ngayon ako’y dalawampu’t isang taong gulang na. Nasira, nawala, ikinalungkot, at unti unti kong pinapawi sa aking kalooban ang kamalian ginawa ko sa aking buhay.
Move on.
Sa tingin ko nakikita ni Fr Ron ang kalungkutan at mga bagay na bumabagabag sa aking damdamin. Eto na ang panahon para magmove on. Eto na ang oras para ialis sa aking isipan ang kalungkutan at pamumuhay sa kahapon. Pero hindi mo ko masisisi sa bagay na ito, how do I live without the ones I love. Sabi nga nila Life’s goes on. Life is too short to ruin yourself from one biggest mistake in your life.
and it is God saying to Fr. Ron that: ”Alvin, Its time to be happy again!”
SALAMAT FR. RON CRISTOBAL. SA LAHAT LAHAT. NAGKAROON PO NG KALIWANAGAN ANG AKING ISIPAN.
ANG SAYA SAYA!!
You let go and I’m gonna have to jump in there after you.. .
Solitude.
(Hilltop Norzagaray, Bulacan)
the Baguio of Bulacan
ADVENTURE WITH BENEFITS.
Enjoy ang byahe kahit mainit from Baliuag, Bulacan to San Fernando, Pampanga at pumasyal pa ko sa Sta Rita para bisitahin ang aking mga pinsan sa bukid.
Sarap. Kasi natanggap ako sa trabaho sa RP Corporation as Inventory Clerk. Over this day, pinag-iisipan kong mabuti kung itutuloy ko pa kasi the salary won’t meet my needs and wants. Kay layo kasi. haha. baka magpaluwal pa ko.
Napakasaya. Dahil nga sa aking pagkakatanggap at syempre nakapasyal pa ko sa mga pinsan ko. Pagdating ay nanginain ako ng masarap na sinigang sa bayabas na alimango at pakatapos ay naglibot libot sa bakuran. Namitas ako ng indian mango para pasalubong sa aking lola.
BOOM!







